Urafstemning - mailtekst på philipinsk

Teksten nedenfor er en oversættelse af den danske tekst, der er sendt til alle stemmeberettigede medlemmer ifm. OK24 urafstemningen.

Mahal na Miyembro ng FOA,nakatanggap ka ng SMS/MAIL na mayroong link dahil ikaw, bilang miyembro ng FOA ay maaring lumahok sa pagboto sa mga resulta para sa susunod na panahon ng kolektibong kasunduan,na magkakabisa mula sa 01.04.2024 hanggang sa 31.03.2026.Ang mga miyembro lamang ng FOA ang maaaring bumoto.Hindi makikita ng FOA o ng inyong employer kung ano ang inyong ibinoto at hindi ka magkakaroon ng problema ukol dito.Mahalaga na bilang marami sainyong miyembro ng FOA ang bumoto.Ikaw ang magpapasya sainyong sarili kung gusto mong bumoto ng OO o HINDI ( JA/NEJ) sa magiging resulta ng kolektibong negosasyon sa kasunduan, ngunit gamitin ang iyong boto bilang isang miyembro ng FOA.  
Inirerekomenda ng ating mahal na chairman ng FOA at KLS na bumoto ka ng ´”OO”.Bilang isang OO ang kasagutan mo ang ibig sabihin nito ay tataas ang sweldo mo ng malaki sa susunod na 2 taon.Kung ikaw ay nasa basic salary na level 14 o 17 o 20 at nasa full time na 37 oras, ikaw ay tataas sa average na 2,000 kr.kada buwan before tax at meron din pagtaas ng inyong pensyon.Kung may iba pang pandagdag sa sweldo ay tataas din ito.Ang unang pagtaas sa kolektibong kasunduan ng 4% na magkakabisa sa Abril 2024, at matatanggap sa susunod na sahod sa Mayo 2024.Kung mas marami sa miyembro ng FOA na boboto ng OO (JA) sa lahat ng mga resulta ng kolektibong kasunduan ( overenskomsresultaterne). Ang ating mahal na chairman ng KLS na si Mimi Bargejani ay rekomendado na bumoto tayo ng OO ( JA) kung OO man o HINDI ang iboboto ninyo ang importante ay bumoto tayo. 
Maraming Salamat at magandang araw sainyong lahat. 
 
VOTE! VOTE! VOTE!